Kinalampag ng Malakanyang ang PhilHealth dahil sa umano’y pagkabigo nitong bayaran ang utang sa mga pribadong ospital.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung hindi magbabayad ang PhilHealth sa mga private hospital kung saan narito ang 60% ng kabuuang bilang ng bed capacity ng bansa malalagay sa alanganin ang kapakanan ng kalusugan ng publiko.
Ani Roque, ayon sa Medical City nasa P1 bilyong pa as of December 2020 ang utang sa kanila ng PhilHealth.
Ipinagtataka aniya niya kung anong nangyayari sa mga dapat pambayad sa mga pribadong ospital.
Una rito, naging mainit usapin din ang utang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross.