Sinuspinde na ng Palasyo ang klase sa lahat ng antas sa Metro Manila ngayong araw, Marso 20 dahil sa banta ng transport strike.
Samantala, inihahabalin naman na nito sa lokal na pamahalaan ang desisyon ng pagsusupinde ng klase sa mga paaralan sa labas ng Kamaynilaan na maaring maapektuhan din ng nasabing strike.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagbigay ng direktiba ang Pangulo na isusupinde nito ang klase kahit lamang may maliit na banta ng strike para siguruhin ang proteksyon ng mga estudyante.
#BREAKING
From the Office of the Presidential Spokesperson – On the March 20 suspension of classes pic.twitter.com/MSQKCv1e8A— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 20, 2018
READ: Memo Circular suspending classes in Metro Manila today released by the Palace | via @jopel17 pic.twitter.com/A8oOQdfVi9
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 20, 2018
Fake News?
Na-‘fake news’ ang Malacañang.
Ito ang tugon ni Piston president George San Mateo sa ginawang pagsuspinde ng Palasyo sa klase sa buong Metro Manila dahil umano sa banta ng tigil pasada.
Ayon kay San Mateo, wala silang ginagawang tigil pasada ngayong araw.
Giit ni San Mateo, batid ng Malacañang na natapos na kahapon ang kanilang transport strike kung saan ay naka-usap pa aniya ng grupo ang mga opisyal ng MMDA, LTFRB maging ang Quezon City Police District.
Hindi batid ni San Mateo kung saan nanggaling at kung ano ang pinagbasehan ng Palasyo sa pagsususpinde ng klase.