Sinang – ayunan ng malakanyang ang naging pahayag ng PNP o Philippine National Police na walang kaso ng extra judicial killing sa ilalim ng Duterte administration.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang naging pahayag ng PNP ay batay sa Administrative Order No. 35 kung saan nakasaad ang depinisyon ng EJK o extra judicial killing.
Nakapaloob sa nasabing Administrative Order na ang biktima sa extra-judicial killing ay miyembro o konektado sa isang cause-oriented organization gaya ng mga nagsusulong ng adbokasiya sa pulitika, kalikasan, agrarian, labor o kaya ito ay media practitioner o napagkamalang taga-media.
Gayunman, tiniyak ni Abella na dapat maimbestigahan at mapanagot ang sinumang responsable sa kahit anong uri ng nangyayaring pagpatay sa bansa.
Dahil dito, hiniling ng Malakanyang ang kooperasyon ng mga testigo upang mapabilis ang pag-resolba sa bawat kaso.