Pinasinungalingan ng Malakanyang ang pinakahuling komento ng mga prosecutors ng International Criminal Court (ICC).
Kaugnay ito ng pagkakaroon umano ng makatuwirang batayan para paniwalaang nagkaroon ng crime against humanity sa ilalim ng war on drugs campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi sila sang-ayun sa naging evaluation ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda sa usapin.
Aniya, legally eroneous o mali at hindi naaayon sa batas partikular sa isang ligal na desisyon ng korte ang komento ni Bensouda.
Iginiit ni Roque, may nauna nang desisyon ang ICC na hindi itutuloy ang imbestigasyon o paglilitis sa kasong alam naman nilang hindi uusad dahil walang kooperasyon.
Muli namang binigyang diin ni Roque na walang hurisdiksyon sa Pilipinas ang ICC.