Nanindigan ang Malacañang na hindi polisiya ng gobyerno ang mga pagpapatay kaugnay sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga.
Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa report ng Amnesty International o AI na systematic, planado, at organisadong aksiyon umano ng mga otoridad ang naturang mga serye ng pagpatay.
Kinontra ni Abella ang findings ng Amnesty International na crimes against humanity ang mga ito.
Sinabi ng kalihim na mismong senado ang nagsabing hindi utos ng gobyerno ang extrajudicial killing, batay sa resulta ng imbestigasyong ginawa ng Senate Commitee on Justice and public order and illegal drugs.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping