Kinumpirma ng Malacañang na nakipagkita ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na akusado ng katiwalian.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, tiniyak ng pangulo na malaya silang gumawa ng legal na remedyo sa mga kakaharapin nilang kaso.
Nagpasalamat rin anya ang pangulo sa mga opisyal at empleyado ng BOC sa pakikipagkita sa kanya dahil nangangahulugan ito ng pagrespeto pa rin sa pangulo.
Mananatili sa floating status ang mga opisyal at empleyado ng BOC na sinasabing sinibak ng pangulo habang hindi pa naisasampa ang kaso laban sa kanila.
This is a message to all of the government employees na seryoso talaga ang pangulo na linisin ang burukrasya at tanggalin ang korupsyon dahil hindi na kaya ng mga kababayan natin ang harapan na nakawan,” ani Andanar.
Ratsada Balita Interview