Inihayag ng Malacañang na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa national convention ng PDP-Laban sa Pampanga ngayong araw.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na posibleng personal o virtual na dadalo ang Pangulo sa national assembly.
Tinatayang 400 miyembro ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Energy Sec. Alfonso Cusi ang pisikal na dadalo para sa nominasyon at botohan ng mga ipanlalaban ng partido sa 2022 national elections.
Samantala, idinipensa naman ni Interior Usec.Jonathan Malaya ang pisikal na pagtitipon ng partido sa kabila ng mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Tiniyak rin ni Malaya na hindi magiging super spreader event ang party convention.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico