Personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan Sa Sabado, Hunyo 12.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa labas ng Metro Manila dadalo ang Pangulo.
Pero ani Roque, hindi muna isasapubliko kung saan ang eksaktong lokasyon ang pupuntahan ng Pangulo para na rin sa seguridad nito.
Mababatid na mula ng maupo ang Pangulo sa pwesto noong 2016, bibihira lang ang pagdalo nito sa mga aktibidad na may kaugnayan sa araw ng kalayaan.