Kinuwestyon ng Malacañang ang credentials ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard.
Ito ay matapos ihayag ni Callamard na lumalampas sa international law ang mga pagkilos ng gobyerno ng Pilipinas kahit pa bago maranasan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na si Callamard na UN Special Rapporteur on Extra Judicial, Summary or Arbitrary Executions ay hindi naman expert sa usapin ng extra-legal killings.
Ayon kay Roque, si Callamard ay specialist sa freedom of expression kaya’t mas mabuting magtalaga ang UN ng tunay na eksperto sa extra-legal killings ng may kalidad na tulad ni dating UN Special Rapporteur on Extra Judicial Executions Philip Alston.
Ipinabatid naman ni Roque ang kanyang hiling para kay Callamard na sana ay makakuha ng termino sa kaniyang unibersidad para matawag o makilala talaga itong expert.