Kinwestyon ng Palasyo ng Malakanyang si Vice President Leni Robredo kung bakit hindi pa nita isinisiwalat sa publiko ang kanyang mga natuklasan sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokespersom Salvador Panelo, nagtataka sila kung bakit matagal bago magsalita sa publiko si Robredo hinggil dito.
Aniya, posible umanong may ginagawa ang Bise-Presidente sa kanyang mga nakuhang datos kaya natatagalan bago ito ilabas.
Magugunitang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) noong Nobyembre 24, Linggo.