Tiwala ang Malakanyang na magagampanan ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez ang atas ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagbili at distribusyon ng bakuna kontra COVID-19.
Ito inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng pangamba ng ilang senador sa kakayahan ng Philippine International Trading Corporation o PITC na mai-deliver sa oras ang mga kinakailangang bakuna.
Ayon kay Roque, walang magiging kinalaman ang hindi magandang track record ng PITC sa pagbili ng bakuna ng pamahalaan.
Sinabi ni Roque, naniniwala sila sa kakayahan ni Galvez na agad at maayos na pag-aangkat ng sapat bakuna para sa nakararaming Pilipino, oras na maging available na ito.
Plano ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang hindi bababa sa 25-M Pilipino ng libre kung saan bibigyang prayoridad ang mga health workers, mahihirap, pulis at sundalo.