Kukumpirmahin ng Malakaniyang ang napaulat na pagdaan sa Luzon ng pinakamalaki at pinakamalakas na rocket ng China nitong linggo.
Sinasabi kasi ng mga eksperto na maituturing itong banta sa seguridad ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, beberipikahin nila ito dahil wala aniya silang nakuhang impormasyon na may ganitong pangyayari.
Lumipad umano sa ibabaw ng Luzon ang long Marso 5 nuong Nobyembre 24, Martes ng umaga.
Nagmula ang naturang rocket sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan Province.