Kumikilos na ang Palasyo para mapababa ang inflation rate sa bansa.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, na ito’y dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang agriculture products at isda na siyang nagpataas ng inflation rate noong buwan ng Agosto.
Bukod pa rito ani Roque ang sunod-sunod na pagtama ng bagyo sa ating bansa.
Gayunman, binigyang-diin ni Roque na mula nang mag-angkat ang bansa ng mga baboy, bumaba aniya ang presyo nito sa merkado.
Sa huli, iginiit ni Roque na tinitignan pa ng pamahalaan ang iba’t ibang aspeto na nagpapataas sa inflation rate gayundin ang mga puwedeng ipatupad na patakaran para mas maparami pa ang suplay ng pagkain.