Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nag-alok ang Malakanyang ng pabuya para sa ikadarakip ni dating PNP-AIDG officer-in-charge, col. Eduardo Acierto.
Ayon kay Guevarra, sampung milyong piso ang ini-alok na pabuya subalit hindi niya mabatid kung saan ito kukunin.
Magugunitang naglabas ng arrest warrant ang Manila RTC Branch 35 laban kay Acierto noong April 12 sa kasong ‘illegal importation of dangerous drugs’ sa ilalim ng section 4 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Kaugnay ito ng pagpuslit umano ng 1.6 tons ng shabu na itinago umano sa anim na magnetic lifters na nadiskubre naman sa isang bodega sa General Mariano Alvarez, Cavite.
Ipina-a-aresto rin sina dating PDEA deputy chief Ismael Fajardo at limang iba pa na nasa likod ng vecaba trading na consignee ng dalawang hindi pa kini-claim na magnetic lifters sa Port of Manila.
Samantala, hawak na ng NBI ang isa pang akusado na si dating customs intelligence officer Jimmy Guban matapos siyang alisin ng DOJ sa witness protection program.
(with report from Bert Mozo)