Malakas ang loob ng palasyo na magagampanan ng mga bagong itinalaga sa gabinete ang kanilang mga tungkulin sa ilalim ng kanilang tanggapan.
Ito’y kasunod ng pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kina Southern Leyte Representative Roger Gaviola Mercado bilang bagong Kalihim ng Department Of Public Works And Highways (DPWH).
Habang itinalaga naman bilang General Manager ng Metro Manila Development Authority (MMDA) si Atty. Romando Artes.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kumpiyansa ang malakanyang na pamumunuan nila ang mga proyekto ng kanilang tanggapan sa nalalabing panahon ng Administrasyong Duterte.
Bukod dito, sinabi pa ni Roque na ibigay ng mga bagong talagang opisyal ang kanilang lahat ng makakaya upang magampanan ng maayos ang kanilang mga tungkulin.