Tiwala ang Palasyo ng Malakanyang na makababawi ang ekonomiya ng bansa matapos ang dalawang linggong lockdown sa Metro Manila.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque matapos maitala sa bansa ang 11.8 percent na gross domestic product growth sa ikalawang quarter ng taon kahit pa nasa gitna tayo ng pandemya.
Ayon pa kay Roque, ginawa ang lockdown para aniya ay makabangon ang ekonomiya ng bansa sa huling quarter ng taon.
Sa ilalim ng dalawang linggong lockdown, tanging mga mahahalagang biyahe at serbisyo lang ang maaring magbukas.
Kadalasan namang tumataas ang gastos ng mga konsumer sa tuwing sasapit ang kapaskuhan na magsisimula sa Setyembre.—sa panulat ni Rex Espiritu