Kumpyansa ang palasyo na maayos na magagampanan ni Police Lt. General Guillermo Eleazar ang tungkulin bilang susunod na lider ng pambansang pulisya.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque ang kanilang inihayag na kumpyansa ang batay na rin sa ipinamalas na professionalism, integridad maging ang dedikasyon ni Eleazar sa pagseserbisyo.
Dagdag ni pa ni Roque na hangad ng Palasyo ang matagumpay na panunungkulan ni Eleazar.
Sa May 8, nakatakdang umupo si Eleazar bilang PNP Chief at papalitan si outgoing PNP Chief Debold Sinas.
Samantala, anim na buwan na lamang maglilingkod si Eleazar bilang lider ng PNP at nakatakdang magretiro sa November 13 alinsunod sa mandatory retirement age.