Inatasan na ng Malakanyang ang Bureau of Quarantine (BOQ) at Department of Transportation (DOTr) na taasan ang bilang ng mga accredited RT-PCR laboratories.
Ito, ayon kay acting presidential spokesman at cabinet secretary Karlo Nograles, ay upang mapabilis ang pagpapalabas ng COVID-19 test results.
Una nang inahayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ang pagtaas ng COVID-19 cases ay nagresulta sa pagdagsa ng mga specimen sa mga laboratoryo na naghihintay na ma-proseso at pagkaantala ng test results.
Sa kasalukuyang guidelines, kabilang sa mga requirement ng mga fully vaccinated filipino mula sa red list areas ay negatibong RT-PCR COVID-19 test, dalawang araw bago ang departure;
Sumailalim sa facility-based quarantine at magsagawa ng RT-PCR COVID-19 test sa ika-pitong araw at kumpletuhin ang natitirang 14-day quarantine sa bahay kapag nag-negatibo sa test.