Suportado ng Malakaniyang ang paghahain ng panibagong Diplomatic Protest sa China ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat ay humingi muna ng permiso ang China sa gobyerno kung maaaring dumaan ang kanilang Chinese Warships sa Sibutu Strait na bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Ito aniya ay malina na paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Gayunman, hindi naman inalis ni Panelo ang posibilidad aniya na maaaring hindi alam ng Chinese Governmen ang naturang aksyon ng kanilang Chinese Warships.
Dahil dito mas mabuti aniyang hintayin na lamang ang magiging tugon ng Gobyerno ng China.
Una rito, kinumpirma ng Department of National Defense na 4 na beses naispatan ang paglalayag ng Chinese Warships sa naturang teritoryo simula pa Pebrero hanggang Hulyo.