Isusumbong ng Malakanyang sa United Nations High Commission for Human Rights si UN Rapporteur Agnes Callamard.
Pahayag ito ni Presidential Spokesman Ernie Abella matapos mabigo si Callmard na ipagbigay alam sa Malakanyang ang pagdating nya sa bansa upang dumalo sa isang drug forum.
Ayon kay Abella, nakakadismaya ang hindi pag-anunsyo ni Callamard sa kanyang pagdating sa bansa dahil isa itong senyales na wala syang intensyong kunin ang panig ng gobyerno sa kinukuwestyong anti-drug war campaign.
Sinabi ni Abella na bigo si Callmard na ipakita ang pagiging propesyonal dahil bahagi ng protocol na makipag-ugnayan sa gobyerno ang isang UN official na darating sa isang bansa.
By Len Aguirre |With Report from Aileen Taliping