Makikiisa ang Malakanyang sa paggunita ng Earth Hour ngayong taon.
Ayon sa inilabas na pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, makikiisa ang malakanyang sa pamamagitan ng boluntaryong pag-switch off o pagpatay ng lahat ng ilaw mula alas-otso imedya hanggang alas-nuwebe imedya mamayang gabi.
Kaugnay nito ay hinikayat din ni Panelo ang publiko na iwasan na ang walang tigil na paggamit ng plastic sa pang-araw-araw na gawain para sa mas malinis at ligtas na kapaligiran.
Ito aniya ang sentro ng Earth Hour ngayong taon.
Samantala ang Earth Hour ay isang malawakang pagkilos ng World Wide Fund (WWF) for Nature upang magkaisa ang lahat na gumawa ng hakbang para sa ikabubuti ng planeta.