Malamig ang Malacañang sa panukala ng Bureau of Customs (BOC) na gamitin pansalamantala ang bodega ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Kampo Aguinaldo para pag-imbakan ng mga natitira pang container vans sa mga pantalan.
Ito’y bilang bahagi pa rin ng ipinatutupad na port decongestion dahil sa hindi pa rin ganap na nai-aalis ang lahat ng nakatenggang container vans sa mga pier.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., maaaring ipaabot ang mungkahi sa cabinet task force na pinamumunuan ni Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras para talakayin ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Kasunod nito, may agam-agam ang palasyo sa paggamit sa bodega ng AFP dahil nasa general headquarters ito kaya’t hindi ligtas kung maglalabas masok ang mga trak dahil sa seguridad ang pangunahing prayoridad ng AFP.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)