Mariing itinanggi ng Malakaniyang ang umano’y “double standard” sa pagpapatupad sa mga alituntunin laban sa COVID-19.
Ito’y matapos ilang kawani at opisyal ng gobyerno ang pinayagang makabiyahe at makapunta sa kanilang destinasyon nang walang COVID-19 testing at pinagdaanang quarantine measures.
Depensa ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi maaaring maantala ang pagbibigay-serbisyo ng national government sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas.
Sinabi ni Roque, na mayroong kaniya-kaniyang protocols ang lahat ng government agencies para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Hiling ni Roque, magtiwala na hindi papayagang maging spreaders ang mga empleyado ng pamahalaan.