Nagpahayag ng mariing na pagkondena ang Palasyo sa nangyaring pagpatay sa beteranong mamamahayag na si Jesus Malabanan.
Base sa nakarating na ulat sa Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) nasa loob ng kanilang tindahan sa Calbayog Samar si Malabanan nang pagbabarilin ito kahapon ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Patuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon at hot pursuit operation ng pnp laban sa mga nasa likod ng nangyaring pamamaslang.
Bunsod nito, inaalam rin ng mga otoridad ang motibo sa pagpatay kay Malabanan. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17), sa panulat ni Joana Luna