Nagbabala ang Malakanyang laban sa indibidwal o grupong gumagamit sa pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte para makapag-solicit ng campaign funds.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, walang sinuman ang binigyan ng otorisasyon ng pangulo na manghingi ng pera kahit ang mga government agencies gaya ng Bureau of Customs.
Malinaw aniyang taliwas sa adbokasiya ng pangulo ang manghinge ng pera.
Kaugnay nito, hinikayat ni Panelo ang publiko na agad na magsumbong sa NBI o National Bureau of Investigation o sa iba pang law enforcement agency.
Binigyang diin ni Panelo na hindi sasantuhin ng Pangulo ang sinumang sangkot sa iligal na aktibidad kahit na sino pa man o ano pa man ang kanyang estado sa buhay.