Hinamon ng Malacañang ang mga nananawagan na sumailalim si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hair follicle test dahil sa alegasyong gumagamit ang pangulo ng iligal na droga.
Sinabi ni Palace Officer Claire Castro na dapat munang patunayan ng mga nag-aakusa ang kanilang mga paratang.
Kinuwestyon din ni Undersecretary Castro ang batayan ng mga akusasyon laban sa presidente.
Ayon sa Palace Official, sa kahit saang kaso, ang nambibintang ang dapat maglabas ng ebidensya.
Binigyang-diin ni Undersecretary Castro na kung wala namang maipakitang konkretong ebidensya laban sa pangulo ay wala ring karapatan ang mga ito na mag-demand ng hair follicle test mula sa pangulo.—sa panulat ni John Riz Calata