Hawak na ng Malacañang ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP kaugnay sa pagpapalawig ng pinaiiral na Martial Law sa Mindanao.
Ito’y bago tuluyang mapaso ang ipinasang extension ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa ika-31 ng buwang kasalukuyan o katapusan ng taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isusumite na ng AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte ang dokumento at inaasahang magsasagawa ng anunsyo ang Punong Ehekutibo ngayong araw.
Gayunman, nilinaw ni Roque na tanging si Pangulong Duterte lamang aniya ang may kapangyarihang magpasya kung ano ang magiging kapalaran ng kaniyang naunang deklarasyon na naglalayong supilin ang terorismo sa Mindanao.
—-