Nagpaalala ang Malacañang sa simbahang Katolika na maging maingat sa mga pulis na nagpapasaklolo sa mga obispo kapalit ang kanilang nalalaman sa mga EJK o Extra-Judicial Killings.
Ayon kay Assistant to the Presidential Spokesperson China Jocson, hindi naman minamasama ng palasyo ang ginagawang pagtulong ng simbahan sa ibinibigay nitong proteksyon.
Ngunit dapat aniyang masala ng maigi ang mga pulis na lumalapit at nagsasabing may nalalaman sila sa mga umano’y state sponsored killings dahil posible aniyang mga tiwali o iskalawag na mga pulis lamang ang mga ito.
Nangangamba rin ang palasyo na posibleng magamit lamang ang simbahan bilang taguan ng mga tiwaling pulis na protektor ng mga sindikato gayundin ang mga nagnanais na sirain ang kampaniya ng gubyerno kontra iligal na droga.