Hindi lahat ng mga bansa ay kabilang sa bloomberg report.
Ito ayon sa Palasyo ay kaya’t hindi maituturing na pinakamalala o worst ang Pilipinas sa isyu ng COVID-19 resilience.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na 53 lamang mula sa halos 200 bansa ang isinailalim sa survey ng bloomberg.
Gayunman, inihayag ni Roque na ang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic ay naapektuhan ng quarantine restrictions kabilang ang lockdowns na ipinatupad ng gobyerno para hindi kumalat ang COVID-19 sa gitna na rin nang pag-usbong ng delta variant.