Tiniyak ng Malakanyang na hindi nila pipigilan ang mga grupong magkakasa ng kilos protesta sa Pebrero 25.
Kasabay ito ng paggunita sa ika-31 Anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.
Ayon kay Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, igagalang ng Palasyo ang anumang pagpapahayag ng damdamin bilang bahagi ng umiiral na demokrasya.
Ang malayang pamamahayag ang siyang tunay na diwa ng EDSA para ilabas ang mga saloobin ngunit dapat namang isaalang-alang ayon kay Guevarra ang kapakanan ng iba.
Mahigpit na paki-usap ng Palasyo sa mga rallyista, iwasang maging sagabal sa daloy ng trapiko upang hindi makaperhuwisyo sa kapwa tao.
By Jaymark Dagala |With Report from Aileen Taliping