Hayaan na lang na ang publiko ang magsalita sa resulta ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ito ang naging reaksyon ng Malakanyang sa pahayag ni dating pangulong Noynoy Aquino na tila walang nangyari sa anti-drug campaign ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, makikita naman sa tala ang naging bunga ng war on drugs ng pamahalaan, tulad na lamang ng mahigit 1.3-M sumukong drug personalities.
Gayundin, ang umaabot sa 96,000 mga naarestong drug personalities sa isang taon kumpara sa mahigit 77 sa anim na taon ng administrasyong Aquino.
Ipinagmalaki rin ni Abella ang mahigit 2400,000 kilo ng shabu na nakumpiska sa unang taon ng administrasyong Duterte kumpara sa 3,219 kilos sa anim na taon ng nakaraang administrasyon.
Dagdag ni Abella, marami nang nakamit na tagumpay laban sa iligal na droga ang pamahalaan gayunman nais aniya ng Pangulo ang tuluyang matuldukan ang produksyon, distribusyon at pagbebenta ng iligal na droga sa bansa.