Muling humingi ng paumanhin ang Malacañang dahil sa aberyang dulot ng mga palyadong train at operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, hindi tumitigil ang gobyerno sa pagtataguyod ng kaligtasan sa mga commuters ng MRT at LRT .
Tiniyak naman ni Coloma na kasalukuyan g iniimbestigahan ng pamunuan ng LRT ang sanhi ng banggaan ng dalawang tren ng LRT sa Monumento, Caloocan City noong Sabado ng umaga na ikinasugat ng isa sa mga operator nito.
By Aileen Taliping (Patrol 23)