Nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang sa mga atleta na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas sa 29th Southeast Asian (SEA) Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay may kabuuang 72 medalya na kinabibilangan ng 15 gold, 21 silvers at 36 bronze medals.
Patuloy namang inaanyayahan ng Palasyo na manood ng SEA Games at suportahan ang mga atletang Pinoy.