Mananatiling si Manny Pacquiao pa rin ang People’s Champ at Pambansang Kamao ng mga Pilipino kahit pa nabigo ito sa kanyang laban sa Australyanong si Jeff Horn.
Sa ipinalabas na statement ng Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang mababago sa pagtingin ng mga Pilipino kay Pacquiao.
Nagpasalamat ang Palasyo sa hindi matawarang suportang ipinagkakaloob ng mga Pilipino kay Manny Pacquiao sa oras ng tagumpay at maging sa panahon ng pagkabigo.
Sinabi ni Abella na si Senator Manny Pacquiao pa rin ang peoples champ ng mga Pilipino, ang Pambansang Kamao at National Treasure sa pandaigdigang palakasan.
By: Aileen Taliping
Palasyo nagbigay ng mensahe para kay Sen. Pacquiao was last modified: July 2nd, 2017 by DWIZ 882