Nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang kay Filipino-American Journalist Maria Ressa matapos itong gawaran ng Nobel Peace Prize.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isang tagumpay para sa mga pinoy ang karangalang inihatid ni Ressa at kanila itong ikinalulugod.
Nanindigan naman si Roque na hindi inaatake ang press freedom sa bansa at patunay nito ang pagkakapanalo ni kilalang mamamahayag ng prestihiyosong parangal.
Ang Nobel Peace Prize ay iginawad kay Ressa at sa Rappler dahil sa pagtatanggol sa kalayaang magpahayag na mahalaga sa demokrasya at kapayapaan. —sa panulat ni Drew Nacino