Naglabas ang Malakaniyang ng listahan kung saan mas mura ang COVID-19 testing.
Ito’y kasunod ng pagtatakda ng gobyerno ng price ceiling para sa naturang test kung saan naglalaro sa P3,800 hanggang P5,000.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque mayroon pa rin ilang pasilidad na mas mababa ang singil.
Gaya na lamang ng ilang ospital sa Metro Manila tulad ng Philippine Children’s Hospital, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center at Perpetual Help Hospital.
Ang singil umano rito ay naglalaro lamang sa P1,750 hanggang P2,000.
May ilang murang COVID-19 testing din aniya sa labas ng Metro Manila.
Kabilang dito ang Western Visayas Medical Center sa Iloilo, Vicente Sotto Memorial Medical Center at University of Cebumedical Center, Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban, sa Baguio General Hospital, Zamboanga City Medical Center, St. Paul’s Hospital sa Tacloban, Teresita Jalandoni Provincial General Hospital at Cebu Molecular Laboratory.