Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya at kasamahan sa trabaho ng pumanaw na dating Oriental Mindoro 2nd District Representative Reynaldo Umali.
Kasabay nito nag-alay si Presidential Spokesperson Harry Roque ng 10 segundong katahimikan bilang pag-alala kay umali at sa iba pang nasawi sa COVID-19 bago ang kanyang regular press briefing.
Ayon sa kapatid ng dating kongresista na si Congressman Alfonso Umali, nasawi ang kanyang 63 gulang na kapatid dahil sa kumplikasyon mula sa stage 4 liver cancer.
Nagpositibo din aniya ito sa COVID-19 at nasa ICU simula noong Disyembre 21 hanggang sa unti-unting sumama ang kondisyon nito.
Sinabi ni Umali, Miyerkules nang magkaroon na ng bacteria ang atay ng kanyang kapatid hanggang sa bumigay sa cardiac arrest kahapon umaga.