Nagpaabot na ng pagbati ang Malakanyang kay Maria Filomena Singh sa pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.
Si Justice Singh ay nagsilbi bilang Associate Justice ng Court of Appeals.
Ayon kay Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesman Martin Andanar, kampante silang maipagpapatuloy ni Singh ang “judicial excellence at independence” ng Supreme Court.
Si Singh ang ika-194 na mahistrado ng kataas-taasang hukuman at sinasabing huling appointee ni Pangulong Duterte sa SC bago bumaba sa puwesto sa June 30.
Pinalitan ng bagong mahistrado si Dating Associate Justice Estela Perlas-Bernabe na nagretiro noong Mayo 14.
Si Singh ay kapatid ni Health Spokesperson, Undersecretary Maria Rosario Vergeire.