Nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang sa pagkakahirang kay Cardinal Luis Antonio Tagle bilang Cardinal-Bishop ni Pope Francis.
Ang Cardinal-Bishop ay isa sa pinakamataas na ranggo ng opisyal sa Simbahang Katolika.
Sa kanyang regular press briefing, pinasalamatan ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Tagle sa pagbibigay ng karangalan sa bansa.
Ayon kay Roque, maituturing na tagumpay ng sambayanang Filipino ang naging tagumpay at nakamit ni Tagle.
Nitong Pebrero, umalis patungong Vatican si Tagle matapos italaga ni Pope Francis bilang prefect of the congregation for evangelization of peoples.
Magugunitang, nakatanggap ng pagbabatikos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte si Tagle kung saan sinabi ng punong ehekutibo na tinanggal ang cardinal sa kanyang posisyon bilang Manila Archbishop dahil sa pamumulitika.