Nakikidalamhati ang Malakanyang sa pamahalaan at mga mamamayan ng Japan na naapektuhan ng pananalasa ng super typhoon Hagibis.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ipina-aabot ng lahat ng mga Filipino at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panalangin sa lahat ng mga nasawi, nasugatan at nawalan ng tahanan dahil sa pagtama ng pinakamalakas na bagyo sa Japan.
Kasabay nito, tiniyak ni Panelo na patuloy na nakamonitor ang embahada ng Pilipinas sa sitwasyon sa Japan para matiyak ang kalagayan ng mga Filipinong naninirahan at nagtatrabaho sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.
Inatasan na rin aniya ng pangulo ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makipag-ugnayan sa Japanese foreign minister para sa anumang humanitarian assistance na maibibigay ng Pilipinas.