Nagpaabot ng pakikiramay ang Pilipinas sa mga mamamayan ng Haiti matapos yanigin ng malakas na lindol.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakikiisa at nakikidalamhati si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng haiti sa panibagong trahedya na kinakaharap ng kanilang bansa.
Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs na walang filipino ang naapektuhan ng magnitude 7.2 na lindol.
Sa pinakahuling datos, sumampa na sa mahigit 1,300 katao ang nasawi sa malakas na pagyanig. —sa panulat ni Drew Nacino