Nakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairperson Dante Jimenez sa edad na 68.
Sa isang post sa Facebook, kinumpirma naman ni Volunteers Against Crime and Corruption President Arsenio Evangelista ang pagyao ni Jimenez dulot ng aortic aneurysm.
Pinuri naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque dahil sa matapang nitong adbokasiya kontra krimen at katiwalian.
Matatandaang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jimenez bilang PACC chair noong January 2018.
Si Jimenez ay Founding Chairperson din ng VACC.