Nakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pamilya ng yumaong si dating Senador Ernesto Boy Herrera.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, nakikiisa ang Palasyo sa pagluluksa ng bansa sa pagpanaw ni Herrera.
Pumanaw si Herrera sa edad na 73 sa Makati Medical Center dahil sa cardiac arrest.
Si Herrera ay naging senador mula 1987 hanggang 1998 at naging kinatawan ng unang distrito ng Bohol mula 8th hanggang 10th Congress.
Si Herrera rin pangunahing may-akda ng republic act 6715 na naging tulay upang maamyendahan ang labor code noong 1989.
Nakilala si Herrera nang maging miyembro ito ng agrava fact finding board na siyang nag-imbestiga sa August 1983 assassination ni dating Senador Ninoy Aquino Junior.
Si Herrera rin ang natatanging Pinoy na naging miyembro ng Executive Board ng International Federation of Free Trade and Union sa Brussels Belgium mula 1988 hanggang 1992.
By Ralph Obina