Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya ng OFW na binitay sa Saudi Arabia dahil sa kasong murder.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ibinigay ng gobyerno ang lahat ng tulong partikular ng Department of Foreign Affairs (DFA) para pigilan ang execution.
Ayon kay Panelo, nakakalungkot lamang dahil sa kasong ito hindi uubrang gamiting ang blood money para mapigilan sana ang pagbitay.
Isang trentay nueve anyos na pinay ang binitay sa Saudi nuong Martes matapos mapatunayang guilty sa kasong murder.
Hindi na tinukoy ng DFA ang pangalan ng nasabing Pinay household service worker kasunod na rin ng kahilingang privacy ng pamilya nito.