Nagpaabot na ng pakikiramay ang Malakanyang sa naulilang pamilya ng mga inosenteng biktima ng terror attack sa Manhattan, New York City.
Sa isang pahayag, tiniyak din ni Presidential Communication Secretary Martin Andanar na nakatutok ang Philippine Consulate General sa New York sa sitwasyon doon.
Pinayuhan din ni Andanar ang mga Pilipino sa New York na manatiling kalmado ngunit naka-alerto, kahit wala pang naiuulat na Pilipinong nadamay sa pag – atake.
Matatandaang, walo (8) ang nasawi habang 11 ang sugatan sa pananagasa ng isang pickup truck sa mga nasa bike path sa lower Manhattan sa New York.