Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakaniyang sa pamilya ni dating Senador Ramon Revilla, Sr.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque nakikiramay ang Palasyo sa naiwang pamilya ng dating senador na pumanaw kahapon sa edad na 93.
Sinabi ni Roque na ang dating senador na kilala rin bilang hari ng agimat ay itinuturing na isa sa mga haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino bago ito pumasok sa pelikula.
Nang mahalal na senador si Revilla Sr. Ay kinilala bilang Father of The Public Works Act bilang may akda ng Republic Act 8150 o Public Works and Highways Infrastructure Program Act of 1995.