Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pagkamatay ng anak ni chief presidential legal counsel atty. Salvador panelo na si Salvador Carlo Panelo III.
Sa statement na ipinalabas ng tanggapan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, nagpaabot sila ng pakikiramay at dasal sa pamilya Panelo sa panahon ng kanilang pagluluksa.
Namatay ang 27-anyos na anak ni atty. Panelo dahil sa congested heart at mayroon itong down syndrome.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping