Ipinaabot pa rin ng Malakaniyang ang pasasalamat nito sa China para sa inaasahang pagdating ng donasyon nito na COVID-19 vaccine ng Sinovac sa bansa.
Ito’y sa gitna ng pagkaantala ng nakatakda sanang immunization drive ng bansa dahil sa hindi pa dumarating ang ibang COVID-19 vaccine na inorder ng gobyerno.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpapasalamat ang bansa hindi lamang sa Sinovac kundi pati sa gobyerno ng China dahil sa muling pagbibigay ng tulong ngayong nangangailangan ang bansa nito.
Tiniyak ni Roque na hindi makakalimutan ng mamamayang filipino ang pagtulong na ito ng China.
Kasabay nito ipinabatid ni roque na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na personal na salubungin o pagdating ng Sinovac vaccine sa bansa.