Matatag at lalo pang pinatatag ang mga kahandaan laban sa mga darating na kalamidad.
Ito ang inihayag ng Palasyo kasunod ng inilabas na pag-aaral ng Paris-Based Natural Hazards Vulnerability Index na Verisk Maplecroft na pangunguna ang metro manila sa mga mega-cities sa asya na mapanganib sa kalamidad.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na mayroong Disaster Risk Reduction and Management Council ang bawat barangay,bayan, munisipalidad at lalawigan na nagsusulong ng disaster resilient communities.
Bukod dito, sinabi ni Coloma na mayroong National Climate Change Commission ang gobyerno na nakatutok sa pagpapatupad ng mga estratehiya para sa epektibong pagtugon sa hamon ng pagbabago ng panahon.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)