Kumpiyansa ang Malakanyang na magagampanan ni Police Lt. Gen. Dionardo Carlos ang kaniyang tungkulin bilang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na tiwala ang Palasyo na maipagpapatuloy nito ang mga repormang ipinatutupad sa PNP.
Batay sa appointment paper na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na may petsang Nobyembre 10, magiging epektibo ang panunungkulan ni Carlos sa Nobyembre 13. —sa panulat ni Hya Ludivico